Ngayon ko lang nahalata, masaya din pala ang buhay basta lagi ka lang ngingiti, wag kang yuyuko, ang tanging oras na tatama ka sa mga harang sa buhay ay kapag nalungkot ka at alisin mo ang tingin mo sa daanan. Kung may gusto kang bagay, tignan mo lang ito lagi, wag mong aalisin ang iyong tingin, focus. Through focus one can pass through the eye of a needle and overcome the greatest challenges.
Tila mahirap na iwanan ang ating nakaraan, laging may natitirang fragments ng ating mga alaala sa ating isipan… hindi ito maaaring maubos at mawala, parang hinaharap, tanging mga parte lamang ang nasa kamay natin, nakasalalay na sa nais natin ang manyayari sa kinabukasan. Mga bahagi lamang ng isang buong bagay ang hawak natin, ngunit xempre, hindi lamang isang bagay ang maaaring buohin sa mga parte, maraming marami ang mga possibleng mabuo, di mabilang na mga posibelidad. Yan ang buhay, ibibigay lamang sa atin ang outline at tayo na ang bahalang gumawa ng istorya, base sa nais natin.
Lagi mo lang tatandaan pag nabubuhay ka, hindi nakahanda ang mga manyayari sayo, nakasalalay pa rin sa nais mo kung anu ang gagawin mo sa buhay… kung minsan, hindi talaga nating maiiwasan na ihanda ng iba ang landas ng ating buhay pero kadalasan ay may choice pa rin tyu sa ating tatahakin na landas..
Kanina naglakad ako paikot ng pisay kasama ang puti gang, bwahahaha… ang saya… ambaho pa rin talaga ng creek… pero pag inisip mo lahat naman ng bagay sa mundo ngaun ay mabaho… hehehe… dba? dahil sa pollution ay tila di na kailan man magiging mabango at malinis ang ating mundo… ok lang yan, sa kada basura na ilalagay mo sa mga basurahan ay tinutulungan na natin upang mabawasan ang pollution sa mundo…
Bwahahaha… bukas ay may jade reunion… pupunta ako, wala namang rason para hindi… sana maging masaya bukas…
“gusto ko nang bumalik ang dati kong buhay, walang kaaway, walang kagalit… ung normal lang… handa akong gawin ang lahat para lang maibalik ang iyong pagkakaibigan.”