May impocible pa ba sa mundo?

July 7, 2008

Napapaisip ako, may mga bagay nga ba na di kayang gawin, mga mirakulo, mga bagay na di maaring manyari, mga bagay na impossible?… Dba kung minsan umuupo na lang tayo at iniisip ang mga problema natin? Ang hirap humanap ng mga solusyon, mga sagot sa mga problema. Kung minsan umiikot ikot na lang tayo sa mga possibleng solusyon pero ang katotohanan ay wala tayong nakikitang tamang sagot, lahat na lang may chance na magfail. Dba makakakita ng 100% sure na solusyon, ung wala nang pusta, sure win na?

May nagsabi sa akin, “Bakit ba ayaw mo subukan?” an sabi ko, “Dati sinasabi ko din yan, pero nalaman ko na kung minsan mabuti na, na wala kang gawin kesa naman mawalan ka pa pagdi ka nag succeed”. Ako ba to? T*ng ina mo!.. Kung sino ka man… di ata ako to… Sino nagsabi nito? Dati sinabi ko na di ako susuko kasi kahit na 0.001% chance ay kaxa na para sa akin, bkit naman sinasabi ko na to ngaun? Bka naman nagiba na ako… Hindi… ewan… Basta salamat sa nagpaalala sa akin, wlang impossible, sa panahon na ito lahat magagawa na, kailangan lang paghirapan.

Ang hindi susubok, walang magagawa… sabi nga niya sa akin:”oh e2 pa..icpn mo kpg nmty ka at tinanong ka ni san pedro..kung ngwa mo ba ung mabute para sa kapwa mo??..ang sgot mo nde kxe ntkot ka?? dba impyerno bagsak mo nun!”… Tama xa… pag di ko ginawa wala na akong mapupuntahan… walang manyayari sa akin… kung ang mahihirap di umaasa, di sila manlilimos sa kalsada… kung ang mga scientist ay naniniwalang wala ng maaaring madiskubre, di sila magpapagod bilang mga scientist… kung ang mga astronomer ay di naniniwala na may iba pang mga bagay sa kalawakan, di sila magpapakamatay sa paghahanap ng mga bituin… kung di ka maniniwalang may pag-asa, walang manyayari sa buhay mo…

-”Di malapitan?” “Kapalan mo mukha mo”
-”Di makausap?” “Lakasan mo loob mo”
-”Di kaya?” “Maniwala ka”
~How will you know how deep the water is if you don’t try to swim?


Panu mo malalaman kung anu ang totoo?

July 3, 2008

Kung minsan nahihirapan tyu tignan kung alin ang totoo na bagay sa mga nakikita natin… may mga bagay na mukhang totoo pero di pla, isa lamang illusyon… ngaun anu ang illusyon, ano ang totoo? cgurado ka ba na ang nakikita mo ay totoo o isa lamang panaginip?… malay mo ang akala mong totoo ay di pla… ang kaibigan mo ay kaaway pla, ang paborito mong pagkain ay di pla masarap, ang gusto mo ay di mo pla gusto…

Bilang mga tao wala na taung magagawa sa pagkakaroon ng mga di-totoo na bagay, nasa atin na un kung anu ang paniniwalaan natin. Pero panu kung mali ang paniniwala mo? Mahirap dba? Bka lahat ng ginagawa mong mabuti ay masama pla. Lahat ng pinaglaanan mo ng oras ay sayang lang pla… Ang gusto mong maabot ay impossible pla, ang gusto mong mapasaya ay napapalungkot mo pa…

Anu na gagawin natin kung laging mali ang pinapaniwalaan natin? Wag na lang maniwala? Anu ang manyayari sa mundo? Kung lahat tayo ay walang paniniwalaan… dito na papasok ang tiwala mo, ang lakas ng iyong loob, ang katapangan mo… Kung naniwala ka na sa mali, gawin mong tama, wala naman makakapagpabago ng paniniwala mo kung hindi ikaw, ikaw ang nagdecide na paniwalaan yan, ikaw din magdecide kung alin ang totoo.. mayroon ba talagang totoo at may mali nga ba? Dba depende naman sa pagtingin mo yun? depende sa tao. Ang tama sa isa ay maaring mali para sa iba. Kung sa tingin mo masarapang isang pagkain, para sa iba wala itong lasa, wala ka ng magagawa dun… Paano mo malalaman kung totoo pa rin ang pinaniniwalaan mo? Magkakaroon ng oras na magtataka ka din kung alin ba talaga ang totoo, ung sayo o ung sa kanila…

~Ever had two feelings at once? When doubt crosses excitement.

“Di ko alam kung alin ang totoo, bka meron, bka wala, malay mo oo, malay mo hindi, ngaun kung anu ang totoo akin na lang yon.”

Pakinggan niyo to bgay sa mga nagtataka…:


When it’s so near…

June 30, 2008

There are times when we wait for the perfect time to do something, wait for a certain event to happen before doing our task, but what happens when you realize your one and only opportunity has already passed… Damn!… And what’s worse is that you are not sure if that opportunity could come again… When we let it pass don’t you just hate yourself and want to turn time back… If only it wasn’t as expected as it had been… T_T…

When one walks it seems like his mind floats to other things, he tends to be far from earth and is not able to realize everything that happens around him… WTF?!!?!? Mental Block!… Damn i hate mental blocks… grr… T_T… especially when it causes you to lose your one and only chance… GRRRRR… what if you miss that one and only chance… it passes in front of you and you don’t do anything just keep walking then after a few seconds you realize what you just lost… Something that may never come again…

If you miss one chance make sure you don;t miss the next.


Ewan..Malay..Bka OO.

June 24, 2008

Ok.. antagal ko na di nagpopost kaya medyo di ko pa rin alam kung paano ko uli uumpisahan…

Bakit ba kung minsan ang hirap naman gawin ng mga ilang bagay? Mga simple na bagay na kahit anong gawin ay di ko magawa… Ewan, nakakaasar.. pinaghihirapan at pinapangako sa sarili pero di naman magawa… napakawalang kwenta… Kanina may nagtanong sa akin, “Bakit mo naman gusto gawin yon?”. Ang sinagot ko, “EWAN.”.. Ewan?!?!?! anu ba namang rason yon? napakawalang kwenta, napaka ewan na sagot. di ko alam, bka naman talgang wala akong rason para gawin yon, para lang yon maporve sa sarili ko na kaya ko un gawin… kung minsan lahat naman tyu napapaisip kung kaya natin gawin to, diba?

Tinanong din sa akin,”Eh kung wala naman pla e bakit ka ganyan? Kung wala na edi dapat wala ka nang pake dba?”.. Ewan di ko alam… ang sinagot ko,”wala nga, pero EWAN, bka meron pa rin konti, pero wala naman dun yon e, gusto ko lang matapos.”… Yan na naman tayo sa ewan, halos andaming tanong sa akin puro ewan sagot ko… pagtinitignan ko ung mga naganap parang ewan din ung buhay ko, bka kaya ewan. Ang buhay ko ay isang malaking EWAN… kundi man “ewan”, “malay” naman ang sagot ko… anu ba yan!?!?!

“Anu kakainin mo?” “Ewan”

“Anu homework?” “Ewan”

“Bakit mali to?” “Malay”

“Meron pa rin ba?” “EWAN”

If you say you don’t care anymore, then you care.


Destiny…

March 9, 2008

Paano kung lahat ng ginagawa natin eh, hindi naman tayo ang nagiisip… ginagalaw lang tayo ayon sa gusto ng nakatataas sa atin… Kung wala tayong pdeng gawin sa buhay nati kung hindi sumunod, maging puppet sa kamay ng tadhana… wala ng kwentang mabuhay kung ganun, walang direksyon ang buhay, walang mga kaliwaan at u-turn, puro diretso… walang ibang daan, walng detour, puro one way, high way, daang mabilis ang galaw… daang hindi pde tigilan, di pdeng icounter flow…

Cguro nga ganito ang buhay natin, nakasulat na ang lahat sa isang pirasong papel na nakatambak sa isang bundok ng basura… Mga planong matagal ng naisulat, napaghandaan… at wala tayong pambura, wlang paraan para palitan ang nakasulat, ang nakatakda… anu nga ba ang destiny? isa ba itong papel na hindi na makikita at mababago? isa ba itong daan na hindi na pdeng balikan at lagyan ng detour? paano kung lahat ng nangyayari sa buhay ay hindi natin kagagawan, hindi natin desisyon…

Pero tao tayo, may kakayahang baguhin ang mga bagay sa palibot natin… kung subukan kaya natin baguhin ang tadhana? maghukay tayo ng bagong daan sa high way ng buhay. magsulat ng bagong pahina sa libro ng ating pagkatao. nasubukan m na bang gawin to? ang hirap, kahit anung gawin mo, hihilain ka nagtadhana pabalik, puppet nga tayo, nakatali sa kamay ng tadhana, kailan man ay di makakawala…

Bakit ka susuko? kung hilain ka pabalik ng tadhana, tumakbo ka uli… kung mapunit ang bagong pahina, magsulat ng bago… kapag hindi pde kumaliwa, edi kumanan…  Kung di pde, edi magpumilit… Magkakaroon din ng oras na makakawala ka, magiging malaya, makakapili na g manyayari… pero nagyon na di ko pa kayang makawala, hahayaan ko na munang dalhin ako ng tadhana… sa intersection ng dalawang buhay dun na ako kakaliwa, sa chapter ng pagtatagpo, dun na ako susulat… pero para sa ngayon, daan ko lang ang natatanaw ko, storya pa rin ng buhay ko… kahit na pilitin kong lumipat ng pahina, lumipat ng kalsada, lagi akong nawawala…

~Maybe in the future, destiny will play a trick on us… just maybe,


Silence

February 28, 2008

May post na ata akong parang ganito… nakalimutan ko na!… bahala na kung doble, basta…

Ang hirap talaga kausapin… everytime lagi akong natatahimik… wala akong maisip na pdeng pag-usapan, walang magandang topic… at lagi na lang ako kinakabahan… Kapag ibang tao naman, normal lang ako… kaya ko silang kausapin as “ako”… Pero pag dating sa kanya… iba na… wala na akong masabi… wala ng maisip… mental block!!!!!!… nagblablangko isip ko… hindi naman blangko… iniisip ko kung anu magandang sabihin kaso ang nanyayari sa sobrang kakaisip ko, wala na akong nasasabi… nawawala ung “ako”… walang natitira sa akin kundi silence…

Bakit ang ibang tao kaya siyang kausapin… parang andali lang para sa kanila… ewan… siguro nasa akin ung problema… hindi ko talaga maisip… napapaisip na naman ako… wala na naman akong masasabi… silence…

May nagsabi sa akin, “Isipin mo na lang hindi siya ung kausap mo…”… Waw… Iba talaga… Basta siya iba… ang hirap… silence…

~Silence…


Thoughts in words.

February 22, 2008

Kapag hindi ako ang nagsulat, hindi ibig sabihin hindi ko na gustong isulat… kung ginusto ko, pde kong pigilan ang pagpindot ng enter sa computer, pero di ko ginawa. At kung gusto ko rin, pde kong ideny, pero di ko ginawa…

Kung minsan may mga bagay na mahirap isulat pero gusto pa ring isulat…


Kung sana lang…

February 21, 2008

Diba mahirap mag-acting kung hindi mo gusto?… Lalo na kung imbis na acting eh sana natural na lang ang ginagawa mo… Ang hirap talaga… Sana totoo na lang ung ginagawa sa acting… Sana lang… XD

May kanta para diyan eh… “Love Team” by Itchyworms…

Napapaisip ako… andaming bagay na walang kwenta ako… sa lahat ng bagay mayroong masmagaling sa akin… Hay… wala bang bagay kung saan walang makakalagpas sa akin? Sana meron… kahit isa lang… para maymapagmalaki naman ako… Sana lang…

~ Ang tanging pag-asa ko ay nasa tambalang ito…~


Panaginip lang ang lahat…

February 19, 2008

Kung minsan sobrang ganda na ng panaginip natin na ayaw na nating magising… pero kahit anong gawin natin, panaginip lang yon at kahit kailan man ay hindi magiging totoo. Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng mga panaginip? Para umasa? Para maramdaman ang kasiyahan ng kahit na ilang saglit? Walang rason kung bakit tayo nananaginip, ikaw na ang bahalang maglagay.

Possible kaya na magawa nating totoo ang isang panaginip? Depende sa panaginip mo… hehehe… pano kung may mga magical creatures? malamang di na magkakatotoo un…  Sana nagkakatotoo lahat ng panaginip, gagawin ko ang lahat para gawin itong totoo… Hihintayin ko ang tamang oras at panahon, plaplanuhin ko ang lahat ng gagawin, susubukan ko lahat ng paraan… Basta… basta maging totoo lang ang aking panaginip…

Nakakaasar… kahit anung plano ko, laging nasisira… baka di dapat manyari… sana naman hindi ganun… next time, gagawa ako ng fool-proof and idiot-proof plan… masama palang magcram, delikado… nakakamatay… hindi ko napaghandaan… next time…  promise sa susunod i’ll be prepared in every way… at gagawa na rin ako ng mga back-up plans…

Ilang weeks na lang ang pasok… magserseryosong aral muna ako… two weeks… parang ang tagal… nakakatamad na…

~Time to plan my next move.


One hell of a shop.

February 10, 2008

May isang tindahan at napakaweird niya… ang pangalan ay… secret….  basta… astig ung mga gagawin mo para makabili… hahaha… pero maganda mga binebenta nila, masmaganda pa sa inaasahan mo…

Masarap din masubukan bumili dun, hindi lang ordinaryong produkto ang makukuha mo, masimportante pa sa regalo kasi lalagyan mo ng “Heart” ung bibilhin mo… medyo malabo kasi pambata ung tindahan… hehehe…

Xet… anlapit na ng valentines… hahaha… kasabay ng teacher’s day…

~Ano ba ang pinakamagandang bulaklak?